About me

May gusto ba kayo malman tungkol sa akin?...

            Ako nga pala si "Hazel Love Lagrosa Tatlonghari",medyo kakaiba apelyedo ko noh? marami nag tatanung kung bakit ganyan ang apelyedo ko hindi ko naman alam ang isasagot ,malamang sa mga nino ko dah?. Dalawa lang kami magkapatid at pareho kaming Babae at syempre ako ang panganay. Ipinanganak sa bayan ng Puerto Princesa Palawan na kasalukuyang kilala bilang " The last Frontier" at "Land of the Forest", napaka swerte ko dahil dito ako pinanganak sa isang malinis at napakagandang lugar. Ako ay labing walong taong gulang "18 years old" na kasalukuyang nag aaral sa Unibersidad ng Palawan at kumukuha ng Bachelor of Science in Information in Technology o I.T at na sa ikatlong baitang na ng Kolehiyo.

            Mahilig ako sa hayop lalo na sa mga aso meron nga pala akong apat na aso si Puppy,mao,Kwang min at beybi at meron na rin akong mga namatay na alaga dalawang shever na pangalan at si patrick yang tatlong yan ay inayakan ko ng inayakan nung na wala sila dahil na pamahal na sila sakin. Mababaw kase luha ko pagdating sa mga ganyang bagay , ayoko ko rin nakakakita ng mga hayop na nasasaktan lalo na ang aso kase parang nararamdaman ko rin sakit na nadarama nila.Mga alaga ko rin ang tinuturing kong mga matatalik na kaibigan kase napapasaya nila ako kahit na hindi sila nakapagsasalita, makita ko lang sila nawawala na mga problema ko.Msiyahin naman akong tao hindi ako yung tipong nag eemo ,ayoko ko rin ng mga senting kanta kase feeling ko mabubuang ako sa mga kantang ganun parang lalo lang sila nakaka pastress.Gusto ko yung mga kantang nakakapagpabuhay ng dugo pero hindi naman yung mga rock na kanta msakit sa tenga yun.Nanunuod din ako ng mga anime ilan sa mga paborito ko ay naruto,reborn,eyeshield 21 at ia pa basta nyung mga astig panuorin.Higit sa lahat, ay isa akong K-pop Fanatic, gustong-gusto ko mga kanta nila kahit hindi ko naiintindihan ,ang gagaling din kase nila sumayaw at ang gaganda't ang gagwapo pa. Sa katunayan nga puro korean na lang ang mga ang mga kanta ko, puro pictures din nila laman ng cellphone at usb ko. Masaya ako pagnakikita ko mga pictures at napapakingan mga kanta nila parang Snarerelaks ako.

            Maiba naman tayo, Meron rin naman akong mga kaibigang malalakas ang tama syempre kasama nako don , yung bang konting bagay lang pagtatawanan na namin, nag lalaitan ng mga kanyakanyang depekto sa aming mga sarili , pagnanakikita imbis na magyakapan eh naghahampasan pa kami.Gustong gusto ko tumawa pagkasama ko ko mga kaibigan ko , lagi lang kamitumatawa kahit masakit na mga tyan at panga kakatawa ayos lang.Syempre minsan nagkakaroon din kami ng konting mga pinag aawayan at nagkakarooon ng konting tampuhan. matampuhin din kase ako pero na aayos naman namin agad yung mga hindi pagkakaunawan na yun. Kapag na sa Bahay naman ako ganun din puro tawanan din kami ng pamilya ko, mababaw din kse mga kaligayaha namin.Malapit naman ako pareho sa mama at papa ko sa kapatid ko naman malapit din naman pero di gaano kse minsan di nya ako ginagalang.Pero masya naman ako sa pamilyang napuntahan ko kahit na di kami mayaman masaya naman kami pagkaka magkakasama, swerte ko nga sa maglang kse pagnagpaalam ako kapag may pupuntahan pumapayag naman kahit gabi kase may tiwala naman sila sakin. May mga pinagdadaanan din naman kaming mga problema pero na lalapasan din naman namin basta magkakasama at may God na gumagabay at nagmamahal sa amin.

Khamsamnida!!!


Smiley face Smiley face Smiley face Smiley face Smiley face Smiley face Smiley face Smiley face